from:
NK
|
Written: 04-02-2019
|
Will be sent: 28-01-2021
|
190117 (7:51pm)
Hindi ko alam kung saan na napunta yung sinulat ko kagabi. It was supposed to be the last— my last goodbye for you…But i guess even time won’t let me. (Charot! Baka sira lang talaga cp ko XD BULOK NA CP!!) Baka tuluyan nang tinangay ng kawalan ang huling sulat ko sana para sayo. Honestly, when I wrote it yesterday night, I had no intentions of making it the last. But I really felt like for real it would be my last letter for you. Pero kahit yata pati iyon ayaw din. It wasn’t a perfect goodbye but I can’t figure out how I would write it again like last night. Damn. Or maybe I won’t ever be able to write you one last goodbye. Maybe I’ll keep your spotify playlist forever. Sa totoo lang, ayoko naman talagang bitawan iyon eh. Alam kong kaya ko, pero AYOKO. Iyon lang kasi ang meron tayo eh. I mean, iyon lang ang meron ako. Iyon lang ang tanging pinanghawakan at nahagkan ko sa mga nagdaang taon. Aaaminin ko, sa paglipas ng bawat araw na halos di kita makita nararamdaman ko sa puso ko na paunti-unti na rin kitang nabibitawan. Katulad nang sinulat ko kagabi, uulitin ko nalang ulit. “Alam kong hindi kita malilimutan, at alam kong habang buhay kang mananatili” I’m trying to remember what I wrote for you last night but I guess I have to give way for another letter. Maybe it was a sign. Kung gaano ako kasigurado kagabi na iyon na ang huli, ngayon masasabi kong hindi pa. At lalong hindi ito ang magiging huling liham ko para sayo. Actually, hindi. I realized that I often write about you but never for you. Siguro sa susunod dapat hindi ako magsulat. May nabasa kasi ako tapos sabi nung lalaki, “I don’t write about things I’m afraid to lose…” Napagtanto ko rin na, maling-mali lahat nang ginagawa kong pagsulat sayo sa loob ng mahigit dalawang taon. Nagsusulat lang ako. Walang ginagawa. Masyado ko itong ginawang outlet para sa lahat nang nararamdaman ko. Akala ko okay lang. Pero kung tutuusin sobrang naging toxic siya. Hindi lang sa akin pero sa’yo rin. Parang nakampante nalang ako. Hindi na ako kumilos kasi pakiramdam ko nailalabas ko naman lahat. It was as if I was talking to you. Akala ko nasasabi ko sayo lahat sa pamamagitan ng pagsusulat. Akala ko naipaparamdam ko sa iyong mahal kita. Maling-mali. Kasi ang totoo hindi. Baka magaling lang akong magsulat, pero ang kumilos hindi. Anong klaseng writer ako ano? Sulat nang sulat pero wala namang hahantungan. Siguro nagsulat rin ako kasi iniisip ko na balang araw maibibigay ko rin ito sa’yo. Umaasa akong malalaman mo lahat ng hindi ko nasabi sayo. Pero hindi eh. Hindi na. Gago lang ako eh. Duwag. Hindi karapat dapat sa pagmamahal na maaari mong ibigay. Pasensiya na sa lahat B…Hindi ko sinasadya. Hayaan mo, balang araw darating ang isang taong magmamahal sa iyo nang buong-buo. Ang pagmamahal na ipaparamdam kung gaaano ka kahalaga, lalo na kung gaano ka kaganda. Taong magbibigay sayo ng “genuine happiness”. Solid. Walang makakatalo dun :): At higit sa lahat iyong taong matapang. Tipong kayang suungin ang lahat. Naniniwala akong mahahanap mo iyon. Kapag nangyari iyon, ako na ang pinaka masayang nilalang sa mundo. Kasi masaya ka. Sapat na iyon sa akin. Hindi man ako ang kasama mo…Hindi mo man ako kailanman magawang mahalin. Okay lang. Kasi alam ko na at least may isang taong pinaparamdam sa’yo ang lahat nang hindi ko nagawa. Higit sa lahat maiparamdam niya sayo na mahal ka niya. At maramdaman mo sa kaniya nang higit pa sa kung anong naramdaman ko sa’yo. Sana ako iyon. Kaso baka hindi…Pero kung sakali mang mahanap natin ulit ang daan pabalik sa isa’t isa hindi ko maipapangakong magiging katulad pa rin ng dati ang lahat. I’m sorry. PERO kung sa panahong iyon hindi pa rin natatapos ang lahat sa puso ko, pinapangako kong sa pagkakataong iyon ipaglalaban at ipagsisigawan ko ang lahat. Susugal ako sa lahat. Kung meron mang ibang panahon at pagkakataon para sa atin. Pangako B, hindi na ako magsasayang. Pangako iyan. At sa panahong iyon, hindi nalang mga papel, kanta, screen, at bolpen ang makakaalam. Ipapakita at ipaparamdam ko, kasi gusto ko na balang araw…
Hopefully, I’ll grow into someone you deserve.
- Always, NK

Share: |