Lettre aléatoires
Les plus célèbres
Les plus récentes
Les dernières
de : Cheska Gelera
Ecrite : 14-08-2020
Sera envoyée : 19-05-2022
To, Future Self

Hi! Siguro by the time na mabasa mo to, okay ka na. Healed ka na. Once na mabasa mo to, alalahanin mo lahat ng pinagdaanan mo okay? Bawat luhang iniyak mo. Mga gabing di ka pinatulog ng kalungkutan. Alalahanin mo lahat yon. Lahat ng sakit. Alalahanin mo lahat lahat wala kang ititira. Tapos magpasalamat ka agad, naiintindihan mo? Magdasal ka!! Magpasalamat ka kase okay ka na ngayon. Na wala na yunh sakit, na masaya ka na. Magpasalamat ka kase hindi ka Niya pinabayaan. If ever na may jowa ka man ngayon, pasalamatan mo din sya. Sa pagtitiis sayo. Sa pag stay sa mga panahong di mo na kilala sarili mo. Mga panahon sirang sira ka. Magpasalamat ka. Dahil may isang taong sinamahan ka sa bagyong pinagdaanan mo. And if ever kayo pa rin hanggang ngayon, please alagaan nyo isat isa. Gawin nyong healthy yung relationship nyo okay? Hindi katulad nung dati. Hindi katulad nung una. Gusto kong mahalin nyo ng sobra ang isa't isa pero bigyan nyo rin ng kalayaan. Irespeto nyo yung desisyon ng bawat isa. Wag na wag kayo magiging toxic okay? Lowkey lang kayo lagi. Para sayo na bagong lalaki sa buhay ko, gusto ko lang sabihin na salamat at mahal na mahal kita. Salamat sa pagintindi. Pangako gagawin ko rin yon sa panahong kailanganin mo ng suporta tulad non. Salamat sa pagmamahal saken. Komplikado akong tao pero nagawa mong mapaamo. Proud ako sayo! At thank you kase dumating ka sa buhay ko. Hindi kita hinanap pero dumating ka, wala e. Ikaw na yung pinadala Niya saken. Wag mo ko papakawalan okay? Kase di rin kita papakawalan, unless ikaw na mismo humiling non. At para sayo, sa sarili ko, sobra sobra sobrang proud ako sayo. Nakaya mo lahat tangina. Isipin mo yon. Atlast, binigay na nya yung hiling. Answered prayer. Ingatan mo yan. Alagaan mo mabuti. Mahalin mo ng tama at tapat. Deserve mo yan. Deserve mo yung pagmamahal. Deserve mo sumaya. Yun lang, magiingat kayo palagi. See you soon.


Ps. Umiiyak ako habang nitatype to kase pagod na ko. Bumitaw na talaga ko. Hindi na ko maghahantay bumalik sya. Ready na ko. Kaya ko naman magisa. At isa pa alam kong dadating sya (yang mahal mo ngayon). Dito lang ako nagaantay habang paunti unti inaayos sarili ko. Wag ka magalala pag nabasa mo to alam kong tatawanan mo na lang, pero alam kong magiging proud ka sa sarili mo. Kase nakaya mo lahat. Nalampasan mo lahat.


From,
Your Past Self
Partager :
 
Retour
 
 
Suivant
 
Phrase du jour
 
Créer une promesse
 
Ecrire une lettre