Cartas ao acaso
Mais popular
Novidades
Última
de: Marbski
Escrever : 25-05-2020
Será enviada : 15-11-2020
Mahal ko,

Natanggap mo na pala yung unang letter ko para sayo. Natuwa ka naman at na touch. Ako ganun din kasi na appreciate mo at di mo expected.

Pero alam mo, after nun bigla akong nalungkot... At natakot. Kasi pano kung may malaman kang di maganda tungkol sa akin, mga nagawa kong di maganda... Magsta stay ka pa din kaya? Pipiliin mo pa rin kayang mahalin ako without judging? Sana bubut..sana.

Madami kasi akong mga pinagsisisihan noon eh. Ni ako hirap kalimutan at patawarin yung sarili ko dahil dun. Naiiyak ako kasi sobrang bait mo at mahal na mahal mo ako... Madaming araw na pakiramdam kong di kita deserve. Na di ko deserve yung love mo.
Kung sakali mang piliin mo pa ding mag stay despite that, maraming salamat. At pangako ko sayo bubut hindi kita sasaktan. Mamahalin kita higit pa sa expectations mo. Hinding hindi ako mag ho holdback at ibibigay ko sayo lahat ng love na kaya ko. Hopefully, enough yun para sa blessing na ibinigay sakin in the form of you bubut ko.

Ngayon palang thankful na akong nakilala kita. Nagpapasalamat ako kay Lord at di nya ako binigo. Yung pakiramdam ko naka hit ako ng jackpot. Ganun po yung feeling
Partilhar :
 
Voltar
 
 
Seguinte
 
Frase do dia
 
Criar uma promessa
 
Escrever carta