LETTER 2 FUTURE
पहले ही भेजे जा चुके पत्र : 21785
बेतीतीब पत्र
सर्वाधिक लोकप्रिय
नवीनतम
नवीनतम
से : Oist
लिखा गया : 18-11-2019
भेज दिया जाएगा : 25-12-2019
This will be the last time na iistalk mo sila. Stop hurting yourself. Move forward. You don't have to forget the memories and yun pinagsamahan nyo. Learn to accept things as it is na. Talo ka na. Nagkamali ka na. Nadapa ka na. You don't have to punish yourself. You don't have to hurt yourself. You've already asked for forgiveness. It is now time to forgive yourself. Love yourself. Love your son. Bumawi ka sa kanya. Iparamdam mo sa kanya ang pagmamahal na hindi mo naiparamdam sa nanay nya. Love him twice as much,lalo at nasa malayo ang nanay nya. Improve yourself. Be better. Hindi mo kailangan idepende sa ibang tao ang kaligayahan mo. Learn to appreciate what you have right now. Your son. Your family. Your friends who supported you when you are so down. Appreciate every little things. Time heals everything. Nagsisi ka na. Let go. Let go of the pain. Try to be happy. Try to find your inner peace. And then you'll find your own happiness. You don't have to look for it. Ibibigay yan sayo pag alam Nya na ready ka na. Magbalik loob ka na. Magsimba kung may time. Wag kakalimutan magdasal. Faith is a powerful tool. You dont have to blame yourself anymore. Stop self pitying. Be thankful. Mabuti nga at mababait ang mga kapatid nya. Na sinusupport ka ins pite of what happened. Grab that opportunity. Then pag nakapaglet go ka na at masaya ka na. Learn to forgive them. Her. It is her choice. Respect it. Tapos na ang oras mo. Oras nyo. Oras nya na para maging masaya. At oras na para maging malapit na sa anak mo. Hindi sa para sa kung ano pa man,kundi dahil iyon ang dapat. Lumalaki na ang bata. Nagkakaisip na. Nagkakaroon na ng tanong sa isip nya. Natututo na magdamdam. Naghahanap na ng lambing. Ibigay mo mga emotional needs nya. Support him. Nurture him. And pag natapos na lahat to, in time,siguro darating na rin ang para sayo. At pag dumating na yun, love her like you never loved before. Appreciate her. Respect her. Make her your queen. Hindi man ngayon. Hindi man bukas. Pero darating din yun. Just like nun dumating sya sa buhay mo. Remember, time heals everything. Set your priorities straight. Maging mabuting ama ka muna sa anak mo. Unahin mo kapakananan nya. Para hindi sya magaya sayo. Wag mo iparamdam sakanya na nagiisa sya. Mahalin mo sya. Kamustahin. Alagaan. Makakamove forward ka rin. Titigil din yun pagiyak mo. Magigising ka na lang one day na tanggap mo na ang lahat. After 1 month. 2 months. 3 months. Only time can tell. Wag ka magmadali. Wag ka magapura. Live your life. Enjoy your life. Kaya mo yan. Kailangan mo kayanin. Kailangan mo maging matatag. Hindi lang para sayo kundi para na rin sa anak mo. Magiging masaya ka rin. Magiging okay din ang lahat. Tiwala lang.
साझा करें :
 
वापस
 
 
अगला
 
आज का वाक्‍यांश
 
वादा सृजित करें
 
एक पत्र लिखें