LETTER 2 FUTURE
पहले ही भेजे जा चुके पत्र : 21785
बेतीतीब पत्र
सर्वाधिक लोकप्रिय
नवीनतम
नवीनतम
से : Marbski
लिखा गया : 22-04-2020
भेज दिया जाएगा : 22-05-2020
Hi Bubut!

Nakikinig ako ngayon ng Your Universe ng Rivermaya. Bigla lang kita na miss. Kasi kanina napunta ako sa sad songs tapos syempre medyo nalungkot ako tapos ito yung next na tumugtog. Biglang gumaan yung loob ko at naalala kita...tapos na miss kita lalo. Ang angas ng mga lyricist no? Kung pano nila naca capture yung ibat ibang emotions at nasusulat nila sa magandang kanta na kare relate an ng mga taong nakikinig like me.

At oo nga pala,40 days na...40 days na tayong di nagkikita and at least 1 more week pa (depende kung i e extend pa tong ECQ ☹️). Araw araw akong nagsasabi na miss na kita, pero parang kulang yun. Di nya naju justify yung nararamdaman kong pagka miss sayo arggghh... Iniisip ko na nga lang yung mga silverlinings nitong situation natin eh. Weird siguro, pero mas nakilala kita kahit di tayo physically magkasama.

May nakapagsabi na ba sayo na sobrang gaan mong maging partner bubut..? Laging kalma yung utak at puso ko sayo, pag naiiisip kita maagaan lang ang loob ko. Yung pakiramdam ng secured at walang ikaka worry... Isa yun sa mga pinaka nagustuhan ko sayo mahal ko eh. Siguro kung ida drawing tong buong experience ko so far, eto yun image na naalala ko lagi nung magkasama tayo sa Sunken Park sa UP. Malilim, malamig na hangin, maaliwalas na puno, saktong ulap sa maliwanag na langit at mabangong bubut na yakap yakap ko habang nakahiga sa damuhan. Ikaw yung nag define ng word na "relax" sa phrase na relaxing day at the park.

Lagi kong sinasabi na pinagpray ko yung qualities na nakita ko sayo bubut, kaya thankful ako kay Lord palagi kasi ikaw yung dumating. Alam ko masyado pang maaga sabihin, pero sana ikaw na talaga bubut, sana ikaw na talaga.


P.S.
ito yung fave part ko sa kanta

You hold me like I'm the one who's precious
I hate to break it to you but it's just
The other way around
You can thank your stars all you want but
I'll always be the lucky one

P.P.S.
Ipaalala ko lang sayo yung suuuper sweet mong ginawa kanina. Papasok na kasi ulit ako sa work eh, kaya gusto mo sulitin yung time na free pa ako. Kaya ayun, ikaw super nilalabanan mo yung antok mo at umiidlip ka nang nakaupo para di tuluyang makatulog! Hahahahah Nag suggest ka pa na mag alarm para gumising at i check kung gising pa din ako maya maya. It's those little things bubut eh... Sinong di lalambot ang puso at mapapamahal sa ganung ka sweet?? Hayyy

O sya, nobela na naman to eh. Kailangan ko na din matulog kasi kinukurot na ako ni mama. Matulog na daw at madaling araw na eh.

Nag alarm ako ng 8:30 kasi nag promise akong mag uusap tayo pagkagising para lang mapilit kitang mag sleep na kanina. Kaya hanggang dito nalang mahal ha. Kiss mo ko pag nabasa mo to okay? I loveeee youuu!!!❤️❤️❤️


Loving you still,
Marble

0300H
24B Dayap
साझा करें :
 
वापस
 
 
अगला
 
आज का वाक्‍यांश
 
वादा सृजित करें
 
एक पत्र लिखें