LETTER 2 FUTURE
पहले ही भेजे जा चुके पत्र : 21785
बेतीतीब पत्र
सर्वाधिक लोकप्रिय
नवीनतम
नवीनतम
से : Nicole Gallo
लिखा गया : 31-12-2014
भेज दिया जाएगा : 31-12-2015
Dear Nicole,
Hi! Hello! How have you been this year? Okay ba? O hindi? May bago bang dumating? Sinu-sino ang mga umalis? Nakagraduate ka ba?
Naalala mo iyong 2014 mo? Ang daming nangyari. May mga tao kang nakausap ulit (clingy buddies- Myrel, Luisa, Regina- at Kylie), may mga taong dumating para lamang umalis (BJ, Darene), may mga taong dumating (R at Mia), at may mga taong kahit anong gawin mo hindi mo talaga mapaalis (Cath, Ate May, Vernyze, Hollie). Ang saya na bumalik ulit iyong clingy buddies. Dagdag gala ba! Lalo na kay Regina na madalas kang ayain kapag wala kang magawa sa buhay college mo o gusto mo lang ng biglaang gala. Si Kylie, pinuntahan mo pa talaga sa Munti bago siya umalis papuntang Dubai. Pero lately, hindi na rin kayo masyadong nakakapag-usap... busy sa kanya-kanyang buhay e. Siya sa work niya, ikaw sa 4th year. Si R, na nilandi mo nung una para lang ma-fall ka tapos ngayon isa na siya sa closest blogger friends mo. Naalala mo iyong post mo about her nung nalaman mong pinaasa ka lang niya? Ang dami niyo na ding pinagdaanan ng taong eto e. Nakapag-meet up na ba kayo? Or ang mas mahalagang tanong, nag-uusap pa ba kayo? Si Mia, na bagong kabarkada. Ang taong exact opposite mo. Kung ikaw tanga sa paggamit ng utak, eto tangga sa paggamit ng puso. Ang biggest issue niya this year, si Kiel? Anong balita sa kanila? Nakaka-usap mo pa ba si Mia? O isa ka sa mga taong naisipan niyang kalimutan? Sana huwag naman. Sana hindi nangyari yung biggest fear mo regarding your friendship with her. Eto din iyong taon na nag-debut si Cath. Nix, ang tanda mo na. Ang tagal na rin ng friendship niyo. Kung may isang magandang bagay na ginawa si BJ sa buhay mo, iyon yung naging susi siya para mabalik iyong closeness niyo ni Cath. Sino si BJ? Iyong kumakanta sa church na nakalandian mo! Nag-usap na ba ulit kayo? Hindi? Oo? Friends na ba ulit kayo? Naalala mo nung niyaya mo siya to be your best friend which he agreed pero nawala din? Kasi after a while you two didn't talk to each other na. Ang tanga mo! I have plenty to say about him. Pero huwag na. In a while 2015 na at pagod na ako magkaroon ng emotions for him so I better not fuel it. Anyway, I'm pretty sure by the time you read this may bago nang dumating? Sino siya? Ka-mu? Crush? O baka naman boyfriend na! Si Carlo ba iyan? Asa ka pa! Isa pa iyon e. Isa pa siya na nagpatunany sa'yo na never kang makakahanap ng taga-CCAC na seseryosohin ka. So sana, you've learned your lesson at kung may bagong tinitibok si baby heart mo this year, hindi siya from CCAC. Please lang!
Eto iyong taong na naisipan mong maging blogger ulit. Nagsimula ka sa @ablogbygorgeous tapos naging @permanentlygorgeous. Pero lately, hindi mo na din na-uupdate iyong blog mo. Hindi mo ma-access e o kaya wala kang time. Eto iyong year na na-fuel ulit iyong pagiging writer mo. Nagsimula ka sa pag-wiwish na maging tumblr famous kaya lahat ng gimmick pinasok mo. Pero you realized that you are too old for the game and you got tired of it. So do you still write? Do you still blog? Do you still talk with the friends you have made including R? Or it's all in the past now? Sana kahit hindi ka na nag-tutumblr o hindi mo na sila kinakausap, nagsusulat ka pa din. Please? Throughout the months kasi na nagsusulat ka you have gotten to know yourself better; it had helped you grow; and has helped you mature better. You have also realized a lot of things a lot through writing so please sana lang, nagsusulat ka pa rin.
Another highlight of your year is your thesis. Nasa faith goal mo is to be able to have a hardbound copy of it by January. Nagawa mo ba? Iyon kasi iyong isa sa mga bagay na nag-hihinder sa'yo to graduate. Kaya nga kahit kanina ginagawa mo pa din. You want to graduate e. You are very much desperate too. Nakakatawa nga at nakipag-sigawan ka pa kay Jiheui dahil lang sa thesis mo sa Bo's. First ever scandal mo iyon sa buong buhay mo. Nasundan pa ba? Kamusta na kaya siya? Nakagraduate ka ba this year?
Nicole, I'm not sure whether 2015 has been good to you or not. Hopefully it was better than 2014. Did you also get your heartbroken this year? Kasing lala ba nung kay BJ or perhaps worse? I'm sure you are more mature than you were in 2014. Hopefully. Did your relationship with your family flourish? Or do you still fight with them daily? Kamusta na ikaw at ang brother mo? Naalala mo ba nung retreat mo iniyakan mo iyong kapatid mo? And you did try to fix things up pag-uwi mo. Sana better na iyong relationship mo with him. Lagay mo nga iyon sa faith goals mo. Tandaan mo na you are starting to be futuristic at naiisip mo na kung anong klaseng future ang magkakaroon ka in few years time. Gusto mo na may kasama kang mag-celebrate noon diba? Kaya nga huwag ka munang mag-concentrate sa love life mo. Kung oras mo naman na kasi darating din iyon. Kapag minadali mo, masasaktan at masasaktan ka lang kasi hindi pa oras. Kaya sa ngayon, family mo muna love life mo. Sa kanila mo na lang ibuhos iyong oras mo rather than crying over a broken heart. Waste of time lang. Pagsipagan mo na lang iyong career mo at family mo.
Speaking of career, kamusta entrance exams sa law school? Aba! Sa ngayon, balak mong tumigil sa bahay at tumambay para lang mag-review. Dapat nakapasa ka sa UP ha. Sineryoso mo ba? Seryosohin mo iyon ha. Naka-rely doon ang future mo. Saan ka pa nag-take? Or naisipan mo bang pumart-time sa church? May job offer ka doon diba? Tinanggap mo ba? Or rumaket ka man lang ba? Or literal na tambay lang?
Nicole, kung ano man ang meron mo sa buhay mo this year, smile! S-M-I-L-E! 'Cause all of the things you're going through this time or have went through, it all has a purpose. A purpose that will help you in the future.
साझा करें :
 
वापस
 
 
अगला
 
आज का वाक्‍यांश
 
वादा सृजित करें
 
एक पत्र लिखें